eHarlequin

Thursday, August 25, 2011

Because I Know Her

And the wind never blew again the way it was…
But I can still feel her
I still know how she moves
I still remember her fragrance
Because I know her
Because I know her soul
And I know her by heart.

Like the light’s reflection on the water…
I can see her beauty
I can see her elegance
I can see her eyes
And the way the light moves on the water,
That’s how delicate she is
That’s how beautiful she is.

Yet, sometimes that light could be blinding…
I can barely see her
I can’t see her beauty
I can’t see her gracefulness
I can hardly see her reflections
I can’t see the water moving anymore

But I can still feel her…
I know she is there
I can vividly imagine her beauty
I can clearly visualize her elegance
I can see her eyes staring at me
I can feel her gracefulness
I can feel her delicateness.

Though the wind never blew again the way it was…
I know she is there
Because I know her
Because her soul is bounded with mine
Because I know her by heart
And I know she will stay in me…
She will stay in me… FOREVER

December 3,1999

5SA2EPKHMMDX

Baby’s Cry

We’ve waited for this day to come
So long of hard work and patience
…Of tears, joys and fears
…Of heartbeats, doubts and tears

It is the time when ordinary things become extra-ordinary,
And extra-ordinary things become ordinary.
A time when simple things become complex,
And complex things become simple.

You and I,
We looked forward into this day
When we can finally hear the melody
The harmony of the music we hardly worked on.

You and I,
We could now see how much it worth
Each and every tear that fell,
Each and every fear that passed,
And all the joy that we celebrated,
Our love remained still.

You and I,
How could we ever forget?
The chain of love it created,
The music that entwined two hearts and souls forever…

And for eternity we will always remember
…Our baby’s first cry.

December 21,1997

As the Moon Cannot Talk

Have you heard it yet?
The moon cannot talk!

Just as flowers bloom and wilt
Without ever saying a word;

Just as the wind foretells its
Affair with the ocean,

None knows the shore is her paramour.

Everything is just an impression,
As perception inadequately justifies

Existence

As the moon cannot talk.

As The Book Closes

As I close the book
Let me once again remember the story
Let my mind run through how it all began
How did the characters met
How such a simple challenge brought laughter
That bridged two strangers
How her eyes and gazes spoke to him clearly
And how her smile connected to his soul

As the story continued from chapter to chapter
I remembered how slowly their relationship came to life
Each day that he look forward to seeing her eyes
Each day that seems to give him the inspiration he longed for
Each day that drew him closer to her
Closer to her more that she ever knew
Each day he wanted to see her more and more
And each day he wanted to give all the care he can give
Only if he could
But each day he has to pretend

And as each chapter unfolds
He forgotten how it was to be alone
He forgotten how it was to be unappreciated
He remembered how it felt to laugh again
He remembered how good it feels to be inspired
He remembered how it was to be happy
He remembered how it was to love
He remembered how it felt to be loved

He once ask her what will she do if it was her last day
And he imagined how painful it could be
Leaving him alone and lonely again
Uninspired and cold
And if it was his last day too
He would take her to where it all began
Let her remember how things came to life for him
And he would show her how much he cared for her
Still, feeling the pain of caring for her for the last time

He would wrote her a love letter in her palm
They would eat ice cream together, hopefully alone
They would walk as if they were not tiring
They would share and listen to music
They would go home together
But as the day ends,
…it will all be just shared memories broken into two pieces

As the last chapter concludes
It was hard for me to read the ending
But everything has to end
But it’s difficult to know how sad this story must close

And as I close the book
Let me remember her face
Let me remember her eyes
Let remember her smile
Let me once again remember the story
Let my mind run through how it all began
And let me try not to remember how it ended
Just let me remember how they once cared for each other
And let me remember everything…
… Just to let the love remain the same

Tuyot na Dahon

Bakit ba kailangang
          malanta ang dahon?

Maari naman sya’ng
          manatili sa sanga
          upang manatiling buhay?

Bakit siya inagaw ng hangin
          at tinangay ng walang pagkupkop
          na hinabilin sa lupa?

Dito ba?

Dito na ba ang hantungan
          ng kung anong dati’y luntian,
Nagyo’y wala ng silbi
          kundi maging pataba?

Ngunit…

Minsan tayo’y bulag sa katotohanan,
          Na tanging ang puso lamang
          ang kasagutan.

Bakit nga ba
          kailangan ng ganitong bagay?
Bakit kailangang magmahal at
          masaktan?

Bakit ba?

Bakit nga ba?

…Marahil upang manatili tayong buhay

Sa Pagguhit ng Bilog

Hindi ko malilimutan
Ang lahat ng nangyari
Bagama’t sa aking paglisa’y
Makakita ka ng panibagong kakapitan.

Natatandaan ko pa ang lahat,
Kasing linaw ng tubig,
Maaring ito’y kahapon,
Maaring noong isang taon,
Maaring kanina lang…
Nararamdaman ko pa.

Sa’king pagkakaluklok,
Ang hampas ng alon sa pampamg
Ay tulad ng iyong tinig,
Unti-unting humahalik sa’king kaibuturan.

Sa bawat pagsayaw ng alon,
Naaalala kong muli ang malamyos mong galaw.
Sa unti-unting paglubog ng araw,
Ang iyong matamis na ngiti,
Muli…
Ang ala-ala ay nagbabalik,
At nagbibigay ng aking katahimikan.

Ngayon,
Ang araw ay nagpapaalam na,
Tulad ng aking pag-alaala sa’yo,
Sa’yong kabuuan,
At ang aking pag-iisa.

Bukas…
Ako’y muling maglalakbay,
Ngunit…
Patuloy kong matatandaan ang lahat,
Kasing linaw ng tubig.
Maaring ito’y kahapon,
Maaring noong isang taon,
O maaring kani-kanila lang,
Nararamdaman ko pa ang lahat…
Nararamdaman ko pa….

November 14,1997

Sa Bawat Paglubog ng Araw


Naaalala ko pa…
           Habang ang paghampas ng alon ay
           Nakikiramay sa unti-unting
           Namamaalam na araw,
                 Naroroon ang pagtitiwalang minsan
                 Nating ibinigay ng buong-buo.

Naalala ko pa…
           Ang mumunting tinig ng bata
           Na sumambit ng mga katagang
           Tumunaw ng ating kamulatan…
                 “Pagmasdan mo na ang paglubog ng araw, bukas wala na ‘yan.”

Naaalala ko pa…
           Ang salitang binitiwan ng isang kaibigan
           Na ilang ulit kong pinag-isipan at binigyan ng kahulugan…
                 “Kailan kaya papayapa ang dagat? ”

Naaalala ko pa…
           Ang iyong pagmamadali
           Upang abutan ang muling paglubog nito.
           Ngunit ika’y nabigo,
           Sapagkat maramot ang ulap…
                 “Maramot ang ulap, ngunit bukas hihintay akong muli ng paglubog ng araw.”

Naaalala ko pa…
           Ang bawat sandaling nagbigay
           Ng lakas sa ating pagkakaibigan…
           Ang mga salitang ating nilikha,
           Upang mas maging makahulugan…
           Ang bawat titik…
                 Ang bawat salitang nagpapatimbang
                 Ng ating dugo.

Ngunit…

Alaala na lamang…
           Ang bawat paghampas ng alon,
           Ay tila tinig na nagmumula sa’yo…
           Ang liwanag na nagmumula sa tubig,
           Ay tulad ng iyong titig…
                 Malalim…
                 Makahulugan…

Habambuhay…

Aalalahanin ko pa rin…
          Ang bawat paglubog ng araw,
                 Na kasama kita…
           Ang bawat paghampas ng alon
                 Na nagbibigay halaga…
           At kahit saaan ka man naroroon,
           Alam kong kasama kita ngayon…
                 Nakatingin…
                 Nagmamasid…

At kahit alaala na lamang ang lahat…
           Hayaan mong pagmasdan kong muli…
                 “Ang bawat paglubog ng araw…”

Pintura


Marami ng pintura
ang kumulay sa ating buhay
Iba’t-ibang buhay
na may kanya-kanyang kulay.

Ang bawat kulay
ay may sariling kahulugan,
Ang bawat kahulugan
ay isang parte ng ating buhay.

At sa paglipas ng panahon
tayo’y mapupunan ng pintura,
Pinturang iba’t-iba ang kulay
ng iba’t-ibang buhay.

Marahil…
Sa paghalik ng alon sa pampang,
Ating susuriin
ang ating nalikha.

Maari…
Doon lang natin mapupuna,
Kung gaano tayo natutong magpahalaga.

Ang buhay natin
sa mundong ating ginagalawan
ay pawang isang,
            pintura lamang…

Payapang Dagat


tulad ka ng payapang dagat
masarap pagmasdan
masarap puntahan
ng isang kaluluwang pagod

tulad ng isang payapang dagat
masarap kang alagaan
masarap kang bigyan
'di masasayang ang bawat ala-ala

parang isang payapang dagat
nakakawala ng pagod kung mamasdan
tulad ng payapang dagat,
tahimik
ngunit malalim

maaring bukas ay
di na katulad ng ngayon
ngunit ang mga larawang nalikha ngayon at kahapon
ay mananatili sa aking isipan at kamulatan
tulad ng isang payapang dagat

Wednesday, August 24, 2011

Pagmamahal

Mahal na mahal kita…
Sa bawat sandaling umikot ang mundo…
Ang bawat sandali ay parang walang hanggan…
Dahil sa iyong pagmamahal.

Mahal na mahal kita…
Maaring maraming bagay ang hindi nararapat…
Ngunit ang bawat sandaling ika’y kayakap…
Ang panaho’y tila hindi lumilipas…

Mahal na mahal kita…
Marahil hindi katumbas ng iyong pagmamahal…
O maaring hindi kasing lalim ng iyong nararamdaman…
            Ngunit alam kong ito’y ‘di hihinto bukas.

Marahil…
Maraming bagay ang hindi ko kayang maarok…
Maraming damdamin ang hindi ko maintindihan…
Ngunit alam ko…
Ang iyong pagmamahal ay sapat ng kanlungan.

Darating ang panahon…
Ang buhay ko ay unti-unting babagal…
Ang mukha’y uni-unti nang kukupas…
            Ngunit ang bawat ala-ala’y magbibigay pa rin ng lakas.

Mahal na mahal kita…
Na sa bawat sandaling umikot ang mundo…
Ang bawat saglit ay parang walang hanggan…
Dahil sa iyong pagmamahal.

October 19, 2007

Luha

                                    Masarap iwan
                                                Ang mundo paminsan-minsan
                                                Mag-isip…
                                                Lumaya…
                                                Magsalita…
                                                Lumuha…
                       
                                    Lumuha ng ganap
                                                tulad ng patak ng ulan,
                                                animo’y wala na ngang hangganan.

                                    Sa lugar ng kawalan
                                                ang pagdampi ng hangin ay buhay,
                                    Ang pag-agos ng tubig
                                                ay nagbibigay kulay.

                                    Ang sarap iwan
                                                Ang katotohanan ng buhay
                                    Mag-isip ng mga bagay na
                                                hindi natin makapa.

                                    Ang sarap lumuha
                                    at palayain ang lahat…
Mag-isip…
Magsalita…
                                                Lumaya…                                          
                                                Lumuha…
                                   
                                    Sapagkat bawat patak ng luha,
                                                Ay isang katiting na paglaya…
                                   

Kimkim

Gusto kong makita ang mukha
ng buwan sa tubig;
Laban sa anino ng kanyang kalu’lwa.

Gusto kong makita ang mukha
ng buwan sa tubig;
Naglilikot,
Nalulunod
                                                Sa salimbayan ng sayaw ng alon…
tulad ng pag-ibig kong
pumapatay sa akin.
                                                                       
Isang mumunting liwanag na pilit
nilulukob ng walang hanggang
kadiliman,
                                                Ano pa ma’t ang kanyang liwanag,
                                                            ay pawang hiram lamang.

Gusto kong makita ang mukha
ng buwan sa tubig;

Laban sa anino ng kanyang kalu’lwa.


August 1997

Kadenang Bulaklak

Paano ba?

Paano ba ang lumaya?
Lumaya sa mga bagay na
          hindi natin makapa,
Palayain ang ating mga
          nadarama.

Sa lugar na ating kinalulugdan,
Isang kadenang bulaklak ang
          gumagapos sa’ting
                nararamdaman.

Sa bawat pagpatak ng ulan
Ang bigat ng ulap na hindi makayanan,
          Ay kailangang ibuhos…
          Kailangang magbuhos…

Oo…

Masarap nga ang magpatangay,
Masarap ang magpadala sa agos ng alon.

Ngunit paano nga ba?

Paano ba ang lumaya sa
          kadenang gumgapos sa ating
                mga nadarama?

Dahon at Hangin

Maraming dahon
          ang nagpapatangay sa hangin,

Ngunit hindi ka
          nabibilang sa kanila.

Maraming tao
          ang mataas ang ekspektasyon,

Ngunit ikaw ay
          isa sa mga dahong nasa lupa.

Malaon man sa
          paglipas ng panahon…

Marahil isa ka nang tuyot na dahon,
          patuloy kang nakahalik at
                nakababa sa lupa.

Ngunit  hindi ka katulad ng mga
          dahong nagpapatangay,
Walang mga silbi
          kundi gamitin ang hangin.


Kahit tuyot ka na…
          magsisilbi kang pataba

Kahit wala ka na,
          mananatiling buhay pa.

Maraming dahon ang
           nagpapatangay sa hangin…

Ngunit hindi ka
          nabibilang sa kanila…


Bulaklak sa Dilim

Nais kong makita
          ang bulaklak sa dilim
Yakapin ang hamog,
          langhapin ang lamig ng hangin.

Nais kong sulyapan
          ang kagandahan ng bulaklak
Tulad ng lungkot…
          itatago na lamang,
                habambuhay.

Tulad sa umaga
          bulaklak ay may tamis rin
Kahit sa gabing madilim
          ito’y may saysay pa rin,
Tulad ng hapdi
          ito’y may hatid na lihim.

Makulay ang bulaklak
          kung ito’y mamasdan,
Makulay ang buhay
          kahit sa kadiliman.

Nais kong makita
          ang bulaklak sa dilim
Yakapin ang hamog,
          langhapin ang lamig ng hangin… 

Anino Sa Dilim

Sa bawat pagwaksi ng araw
Sa pagsabog ng liwanag
Sa pag-ihip ng hangin
At sa kanyang pagdampi,
          wala akong madama
          wala akong makita.

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Dilim…
Nakagigimbal…
Madilim…
Nakakatakot…
Pangamba…
Nakakalito…

Dito…

Sa isang sulok…
Walang nakakakita…
Walang nakakapansin…
Ng isang anino…
Anino sa gitna ng dilim…

Nakakalito…
Malungkot…
Malamig…
Nakabibingi…
Tahimik…
Tahimik…

Sino?
Sino ang lubos na makakaunawa?
Sino?
Sino ang magmamahal ng anino sa dilim?
…ng isang anino kung walang
          Liwanag?

Sino?

Ikaw ba?